December 21, 2025

Home SPORTS

WTA Finals, pinakamabigat na pagkaligwak para kay Alex Eala

WTA Finals, pinakamabigat na pagkaligwak para kay Alex Eala
Photo Courtesy: Alex Eala (IG)

Nagbigay ng pahayag si Pinay tennis player Alex Eala matapos ang laban niya sa Women's Tennis Association (WTA) final sa 2025 Eastbourne Open.

Sa latest Instagram post ni Alex nitong Linggo, Hunyo 29, sinabi niyang ito raw ang pinakamabigat na pagkatalo sa kaniyang early career.

“This has to be one of the toughest losses of my early career, but I firmly believe that it’s these moments that make you stronger and shape your character,” saad ni Alex.

Dagdag pa niya, “Though I’m so happy with the positive week, it’s full speed ahead to @wimbledon.”

'Matagal ko nang pinapangarap ‘yon!' Alex Eala, naging emosyonal nang tugtugin Lupang Hinirang sa 2025 SEA Games

Bigong nakuha ni Eala na ang titulo matapos siyang matalo ni Maya Joint ng Australia, 4-6, 6-1, 6(10)-7.