December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Vice Ganda, tumalak sa Pride Month: 'Di porke matanda ka na... iiwanan mo ‘yong mga tulad mo!'

Vice Ganda, tumalak sa Pride Month: 'Di porke matanda ka na... iiwanan mo ‘yong mga tulad mo!'
Photo Courtesy: Screenshot from Vice Ganda (FB)

Isang makapangyarihang mensahe ang binitiwan ni Unkabogable Star Vice Ganda sa ginanap na Quezon City’s Pride Month noong Sabado, Hunyo 28.

Ayon kay Vice Ganda, hindi dapat maging hadlang ang pribilehiyo para iwanan ang ibang miyembro ng komunidad na hindi nakakakuha nito.

Aniya, “Kung tutuusin, may pribilehiyo na ako, e. Pero hindi porke may pribilehiyo ka, iiwanan mo na ‘yong mga kasamahan mong hindi nakakatanggap niyon.” 

“Hindi porke matanda ka na, at may pera ka na, iiwanan mo ‘yong mga tulad mo na hindi nakakakuha ng pribilehiyong nakukuha mo; dahil ang pribilehiyo ngayon ay hindi dapat maging pribilehiyo mo lang – dapat maging karapatan ‘yan ng bawa't isa," dugtong pa ng Unkabogable Star.

Musika at Kanta

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

Umani sa X ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang video clip ng mensaheng ito ni Vice Ganda. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"and this is why meme vice is the real LGBTQ+ icon"

"Louder Meme!! P.S. Quingina niyo, Renee Salud at Ricky Reyes!"

"Makinig kayong dalawang matandang toxic renee at ricky"

"Napanuod ko sa interview si lolo ricky reyes ang tawag sa sarili nya “wife” devoted wife and mom daw sya sa bahay. Sobrang hypocrite kala ko ba against sa marriage equality. Ipokritang walang pinagkatandaan."

"Rene Salud and Ricky Reyes left the group chat"

"Meme!!!!! Yassss puksain yang mga dapat puksain na yan!!!"

"Wowww! Well said!"

"Is this his response to Ricky Reyes?"

Walang binanggit na pangalan si Vice Ganda kung sino ang pinatutungkulan niya sa kaniyang mensahe. 

Ngunit maugong na pinag-usapan kamakailan ang naging panayam kina LGBTQ trailblazers at beauty and fashion icons Mother Ricky Reyes at Mama Renee Salud.

Ibinahagi kasi ng dalawa sa nasabing panayam ang dahilan ng hindi pagpabor sa same-sex marriage at Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality (SOGIE) bill.

MAKI-BALITA: Ricky Reyes, Renee Salud hindi pabor sa same-sex marriage, SOGIE bill