Naniniwala umano ang komedyanteng si Tuesday Vargas na isa ring anyo ng pagseserbisyo sa kapuwa ang pagpapatawa.
Sa latest episode kasi ng vlog ni actress-politician Aiko Melendez noong Sabado, Hunyo 28, napag-usapan ang isa sa mga dahilan ni Tuesday kung bakit niya ginagawa ang pagpapatawa.
“Much like you, if I ask you, ‘Why did you go to public office, Miss Aiko?’ ‘Pag tinanong ka, then you will search at your very core, ‘because I want to serve the people.’ And I think, comedy is a way of service also,” saad ni Tuesday.
Dagdag pa niya, “Because I don’t know how many lives we have saved by making them laugh, by easing their burdens a little bit, or ‘pag nakita ako ng kapuwa natin mga nanay.“
Kaya naman gusto umanong isipin ni Tuesday na ang itinataguyod niyang brand ng pagpapatawa ay smart comedy.
“I’m not saying that the slapstick or ‘yong madaling ma-absorb na comedy is lesser. It’s just that parang siguro do’n nagre-reasonate sa akin,” anang komedyante.
Matatandaang kamakailan lang ay ginawang katatawanan ni Tuesday ang kontrobersiyal na Municipality of Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo sa pamamagitan ng panggagaya rito.
MAKI-BALITA: 'Tara sa farm!' Panggagaya ni Tuesday Vargas kay Mayor Alice Guo, patok