December 13, 2025

Home BALITA

Pagsasapubliko ng bicam conference, para sa tiwala ng taumbayan—Romualdez

Pagsasapubliko ng bicam conference, para sa tiwala ng taumbayan—Romualdez
Photo courtesy: Senate of the Philippines

Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang pagsasapubliko ng bicameral conference para sa 2026 budget deliberation.

Ayon sa pahayag na inilathala ng opisyal na Facebook page ng House of Representatives noong Sabado, Hunyo 28, 2025, iginiit niyang paraan daw ito upang muling makuha ang tiwala ng publiko.

“I support the move to make bicameral conference committee discussions open to the public,” anang House Speaker.

Dagdag pa niya, “This is a crucial step in restoring public trust and ensuring that the national budget truly reflects the will and welfare of the people.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang inulan ng kontrobersya ang nakaraang bicam committee report matapos umugong ang mga alegasyong dagdag na budget na isiningit umano nina Romualdez para sa 2025.

Kaugnay nito, noong Pebrero naman nang tuluyang nagsampa ng reklamong falsification of legislative documents at graft and corruption ang grupo ng mga abogado kabilang sina Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Ferdie Topacio at Mr. Diego Magpantay, Presidente ng Citizens Crime Watch (CCW), laban kay Romualdez at iba pang mambabatas.

KAUGNAY NA BALITA: HS Romualdez at iba pa, sinampahan ng kasong 'falsification of legislative documents at graft and corruption'

Mariin naman itong pinabulaanan ng dalawa pang mambabatas na sina Deputy Majority Leader Rep. Paolo Ortega at Assistant Majority Leader Rep. Jefferson Khonghun na iginiit na pawang taktika lamang daw ito ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte upang malihis noon ang isyu ng impeachment cases laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: Kaso laban kina HS Romualdez, pinalagan ng 2 mambabatas: 'Walang basehan!'