Bumuhos ang emosyon sa Kapamilya star na si Maris Racal matapos niyang pasalamatan ang lahat ng mga taong bumubuo sa production team ng "Incognito," na malapit nang magtapos sa ere.
Sa grand finale media conference na idinaos kamakailan, nasabi ni Maris na ang nabanggit na serye ang "nagligtas" sa kaniya.
"Now that we’re saying goodbye, I just want to say that making this series, making Incognito has saved me. You have no idea how much it saved me and paano ako nag-grow as an actor."
"Salamat sa pagbigay sa akin ng role ni Gab Rivera," paliwanag ni Maris.
Hindi man direktang tinukoy, matatandaang nalagay muna sa kontrobersiya si Maris kasama ang isa pang cast member ng Incognito at katambal na si Anthony Jennings, nang isiwalat sila ng ex-jowa ng huli na si Jam Villanueva tungkol sa umano'y "cheating incident" noong Disyembre 2024 na talaga namang pinag-usapan sa social media at mundo ng showbiz, na naging dahilan pa nga para hindi sila makasama sa promotion ng movie ni Vice Ganda na "And the Breadwinner Is..." na kabilang sila sa cast.
Ilang endorsement din ni Maris ang biglang umatras dahil sa isyu.
KAUGNAY NA BALITA: Maris, nahulog ang loob; 'di alam na may jowa pa si Anthony
Anyway, gaya rin ng ibang showbiz intriga ay unti-unti rin namang humupa ang isyu, at unti-unti ay nakabalik din sa limelight ang dalawa.
Sa katunayan, natuloy rin ang pelikula ni Maris na "Sunshine" na kinikilala sa ibang bansa at malapit na ring ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas.
KAUGNAY NA BALITA: Pelikula ni Maris Racal, wagi sa 75th Berlin International Film Festival
Kamakailan nga ay pumasok pa siya bilang celebrity house guest sa "Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition" at naka-bonding pa ang mga housemate.
KAUGNAY NA BALITA: Balik-Bahay: Maris Racal, latest house guest sa PBB