December 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaki, kritikal matapos masagasaan ng 2 magkaibang sasakyan sa CDO

Lalaki, kritikal matapos masagasaan ng 2 magkaibang sasakyan sa CDO
Photo courtesy: Contributed photo

Kritikal ang isang lalaki matapos mabangga ng dalawang magkaibang sasakyan sa Lapasan Highway sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa mga ulat, bigla umanong tumawid ang lalaki kung saan siya unang nahagip ng multicab. Tumilapon ang biktima sa kabilang lane ng kalsada kung saan naman siya nabangga ng paparating na Vios.

Sinubukan pa raw pumreno ng Vios ngunit tumama pa rin ito sa lalaki, dahilan upang pumailalim ang biktima. Isang sasakyan naman ang bumangga sa likurang bahagi ng Vios dahil sa biglaang pagpreno nito sa kalsada.

Nasa ospital na ang biktima na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nabanggit na aksidente.

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!