December 22, 2025

Home SHOWBIZ

La Oro, nanghinayang; kulang sa bembang noong kabataan

La Oro, nanghinayang; kulang sa bembang noong kabataan
Photo Courtesy: Screenshot from One News PH (YT)

Nakulangan umano sa sex life ang award-winning actress na si Elizabeth Oropesa o kilala rin bilang “La Oro” noong panahon ng kabataan niya.

Sa latest episode kasi ng “The Men’s Room” kamakailan, pinapili si La Oro kung sino umano kina Derek Ramsay, Piolo Pascual, at Dingdong Dantes ang pipiliin niyang maka-one night stand, pakasalan, at maging boyfriend.

Sagot ni La Oro, “Siyempre si Derek ang pang-one time. Kahit pa two times, e. ‘Yan talaga ang regret ko kasi I should have had more sex when I was younger. Kulang, e.”

“Pero alam mo kung sinong papakasalan ko?” pagpapatuloy ng aktres, “Si Piolo. Si Dingdong parang anak ko ‘yan, e. Hindi ko maubos maisip na maging boyfriend ko, e. Si Piolo papakasalan ko kasi tahimik.

Tsika at Intriga

Kinarma kaya nagkasakit? Pambansang Kolokoy, umalma sa nagsabing dapat humingi siya ng tawad sa 'real family'

Dagdag pa niya, “Saka masculine ako, kailangan ko ‘yong medyo mahinhin nang konti. Kailangan ko ng somebody like Piolo because when he’s started, kami ang magkasama sa ‘Esperanza.’”

Matatandaang ang “Esperanza” ay isang drama series na nagsimulang umere sa ABS-CBN Network noong mga huling bahagi ng dekada 90.