December 13, 2025

Home FEATURES

KILALANIN: Magkakapatid na raratsadang senador sa 20th Congress

KILALANIN: Magkakapatid na raratsadang senador sa 20th Congress
Photo courtesy: Senate of the Philippines, TV5, Camille Villar, Jinggoy Estrada/FB

Muling masisilayan ng taumbayan ang mga nagbabalik at bagong mukha sa Senado sa pag-upo sa puwesto ng 12 mga bagong halal na senador sa Hunyo 30, 2025 sa ganap na 12:00 na tanghali.

Bagama’t bagong balasang mga senador ang bubuo ng 20th Congress, tila nananatiling pamilyar pa rin ang mga apelyidong ookupa ng walong puwesto sa 24 na miyembro ng Senado. Ang ilan sa kanila, magkakapatid, bagay na tila hindi na nawawala sa alinmang sangay ng pamahalaan.

Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano

Sa muling pagkapanalo ni Sen. Pia para ipagpatuloy ang kaniyang ikaapat na termino sa Senado, muli silang magsasabay sa posisyon ng kaniyang kapatid na si Sen. Alan Peter na kasalukuyan namang tinatapos ang kaniyang ikatlong termino na magtatapos sa 2028.

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Sen. Mark at Sen. Camille Villar

Bagong timpla naman ang ihahain ng mga Villar sa Senado nang magtapos ang unang termino ni Sen. Cynthia Villar at patakbuhin ang kaniyang anak na si Senator-elect Camille Villar.

Kung dati’y mag-inang Cynthia at Mark ang kalibre ng kanilang pamilya—masusubukan naman ang magkapatid na Villar sa 20th Congress.

Sen. Raffy at Sen. Erwin Tulfo

Pinagtibay na rin ng mga Tulfo ang kanilang posisyon sa Senado matapos makapasok si Senator-elect Erwin Tulfo noong halalan 2025 at nakatkdang samahan ang kaniyang kapatid na si Sen. Raffy sa Senado.

Sen. JV Ejercito at Sen. Jinggoy Estrada

Ang magkapatid na Sen. JV at Sen. Jinggoy naman ang kukumpleto sa listahan ng mga magkakapatid na nakaupo sa 20th Congress. Noong 2022 National elections nang parehong pinalad na makalusot ang dalawa makakuha ng termino sa Senado. Kapwa magtatapos ang kanilang panunungkulan sa 2028.

Sa halos ⅓ na bilang ng mga magkakapatid sa 20th Congress, nakaabang ang taumbayan kung paano ito makakaapekto sa paghawak nila ng nakabinbing impeachment trial ni Vice President Sara Duterte—kung sakaling tuluyan itong tumawid sa susunod na Kongreso.