January 05, 2026

Home BALITA Politics

HS Romualdez, nanumpa na bilang kongresista ng Leyte

HS Romualdez, nanumpa na bilang kongresista ng Leyte
Photo courtesy: Screenshot from Office of the House Speaker (FB)

Pormal nang sinimulan ni House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang huling termino bilang kinatawan ng 1st District ng Leyte, Linggo, Hunyo 29.

Nanumpa ang house speaker sa harap ni Court of Appeals Associate Justice Bautista Corpin sa ginanap na seremonya sa Price Mansion sa Tacloban City.

Kasama ni Romualdez sa panunumpa ang kaniyang mga anak na sina Andrew Julian at Ferdinand Martin Jr.

Matapos ang kaniyang panunumpa, pinangunahan din niya ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal sa Unang Distrito ng Leyte, kabilang ang mga alkalde, bise alkalde, at mga miyembro ng sangguniang bayan.

Politics

Pagkakawatak-watak sa politika, hindi matatapos sa 2026—Jay Costura

Walang naging katunggali si Romualdez sa nagdaang halalan kaya’t awtomatiko siyang muling nahalal sa puwesto.

Inaabangan pa kung mananatili siyang house speaker sa paparating na 20th Congress.