December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

Embahada ng PH sa Israel, pinuri ng Filipino community dahil sa agarang aksyon

Embahada ng PH sa Israel, pinuri ng Filipino community dahil sa agarang aksyon
Photo Courtesy: Philippine Embassy in Israel, DMW (FB)

Nakatanggap ng papuri ang embahada ng Pilipinas sa Israel mula sa Filipino community dahil sa agarang aksyon nito sa girian sa pagitan ng Iran at Israel.

Sa isang Facebook post ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Sabado, Hunyo 28, ipinaabot ni Winston Santos ang kaniyang pasasalamat at pagsaludo sa embahada.

“Ipinaaabot natin ang ating pasasalamat at pagsaludo sa Pasuguan ng Pilipinas sa Israel, sa mabilis at agarang tugon nito sa pangangailangan ng mga Pilipino sa Israel,” saad ni Santos na siyang tumatayong tagapangulo ng HAMERCAZ LE FILIPINIM.

Pinangunahan ni Ambassador Aileen Mendiola kasama sina Consul General Anthony Mandap at  DMW-Migrant Workers Office Attaché Rodolfo Gabasan ang paglulunsad ng relief efforts.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Kabilang sa mga tulong naibigay nila ay medical care sa mga napinsalang Pilipino, emergency relocation para sa mga naapektuhan ng pambobomba, at pagpapauwi sa halos 26 na Pilipino.

Bukod dito, makakatanggap din ang bawat Pilipinong nasa Israel ng $200 bilang financial assistance at psychological support services mula sa trained mental health professional.

Matatandaang nagsimula ang tensyon sa Gitnang Silangan matapos ilunsad ng Israel ang malawakang pag-atake sa Iran noong Hunyo 13. Dahil dito, gumanti ng airstrike ang Iran sa Israel.