Tuluyan nang nakompleto ang duos na kabilang sa "Big Four" sa inaabangang Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition noong Sabado, Hunyo 28.
Ang kumumpleto sa slot ng Big Four na nauna nang inokupa nina Charlie Fleming at Esnyr (ChaRes), Ralph De Leon at Will Ashley (RaWi), at AZ Martinez at River Joseph (AzVer) ay sina Brent Manalo at Mika Salamanca (BreKa).
Na-evict naman sa Bahay ni Kuya sina Dustin Yu at Bianca De Vera o tinatawag na "DusBin."
Masayang sinalubong sina Dustin at Bianca ng kanilang mga pamilya sa outside world.
Samantala, para malaman naman ang ranking ng Big Four ay opisyal nang binuksan ang "BBS" voting, at ang plot twist, sinamahan din nila ito ng muling pagbabalik ng "BBE" o vote to evict.
Magkakaalaman kung sino ang magiging Big Winner sa Hulyo.
Samantala, marami sa fans ng ShuKla o nina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman ang natuwa sa pagkakapasok sa Big Four ng mga "anak" ni Mowm Klang.
Ang partikular na mga anak ni Klang sa loob ng Bahay ni Kuya ay sina Esnyr, Mika Salamanca, at Will Ashley.
KAUGNAY NA BALITA: Family tree ni Mowm! Sino-sino miyembro ng 'De Guzman Family' sa PBB?