Tila may nasagap na tsika si Ogie Diaz patungkol sa aktres na si Cristine Reyes, patungkol sa love life nito, na inispluk niya sa kaniyang showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" nitong Linggo, Hunyo 29.
Ayon sa nasagap na tsika ni Ogie, kahit na si reelectionist Sen. Imee Marcos ang inendorso ni Cristine, ang napababalita raw na bagong karelasyon niya umano ay strategist ng isa pang nagbabalik-Senado na si Senator-elect Bam Aquino.
Pinangalanan ni Ogie ang nabanggit na guy na si Gio Tingson, na lagi raw naiispatang kasama ni Cristine.
"Feeling ko naka-move on na si Cristine," sey ni Ogie, na ang tinutukoy ay ang break-up ng aktres sa aktor na si Marco Gumabao.
KAUGNAY NA BALITA: Marco Gumabao at Cristine Reyes, nag-followan ulit pero 'di raw nagkabalikan
Matatandaang umugong ang tungkol sa hiwalayan ng dalawa matapos ang unfollowan daw nila sa social media.
Makalipas ang ilang araw ay muli raw silang nag-followan sa isa't isa, subalit hindi naman daw nagkabalikan.
At mukhang tila naka-move on na rin daw si Marco matapos namang maispatang kasama raw sa isang restaurant ang aktres na si Barbie Imperial.
Kaya ang malaking tanong tuloy, bakit daw magkasama sina Marco at Barbie? Si Barbie ay alam ng lahat na konektado na kay "Incognito" star Richard Gutierrez.
So ang tanong daw ng mga nakakita kina Marco at Barbie, "Wala na ba sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez?"
Paliwanag naman ni Ogie, ang totoong buong pangalan ni Marco ay "Marco Imperial Gumabao" kaya magkamag-anak silang dalawa.
Going back kay Cristine, wala pa siyang tugon, reaksiyon, o pahayag tungkol sa tsika ni Ogie, maging ang nabanggit na strategist ni Sen. Bam. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.