Bibitiwan na ng pamilya ng namayapang si National Artist F. Sionil Jose ang pangangasiwa ng Solidaridad Bookshop matapos ang halos anim na dekada.
Sa ulat ng The Varsitarian noong Sabado, Hunyo 29, kinumpirma umano ng panganay na anak ni Sionil ang pagbebenta sa nasabing bookshop.
“Yes, we are selling it. We would like that whoever buys it, will continue Solidaridad Bookshop,” saad ni Antonio Jose.
Ayon kay Antonio, wala raw sa kanilang magkakapatid ang may kakayahang mamahala ng Solidaridad.
“We are all getting old. My siblings are all abroad, [and] it was only I who came back to take care of our parents and manage the bookshop. If I were a lot younger, I would not sell [it] at all,” dugtong pa ng panganay ni Sionil.
Bukod sa mga libro, nagsilbi ring tahanan ang Solidaridad ng mga manunulat para magkapagtalakayan ng mga isyung may kinalaman sa lipunan at politika.
Sa ngayon, maaari pa ring bisitahin ang bookshop sa Padre Faura Street sa Ermita tuwing Martes hanggang Sabado, mula 10 a.m. hanggang 5 p.m.