December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Baked salmon w/ sisig toppings' ng nanay ni River, pinagpiyestahan ng netizens!

'Baked salmon w/ sisig toppings' ng nanay ni River, pinagpiyestahan ng netizens!
Photo courtesy: screenshot from PBB/YT

Naglipana pa rin sa social media ang larawan ng ina ni River Joseph—isa sa mga housemates at Big Four contender ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, matapos ang naging pagbisita niya sa PBB house kamakailan.

Tila hindi kasi naka-get over ang netizens sa pasalubong ni Mommy Ida para kay River matapos itong mapansin ni Big Brother.

“Mukhang may dala yata kayo?” ani Kuya.

Tugon naman ni Mommy Ida, “Eto yung favorite n’ya [ni River] na baked salmon in yogurt. Nag-sprinkle ako ng sisig on top kasi favorite n’ya rin yun eh.”

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Kaya naman ang sey ng netizens, tila sinampal umano sila ng kahirapan dahil ginawa lang daw toppings ni Mommy Ida ang sikat na ulam ng mga Pinoy na sisig.

“Tina-toppings lang nila yung sisig , inuulam na namin yun eh.”

“ Yung tupperware niya is glass hindi lagayan ng ice cream!”

“Sa yogurt nga namamahalan na ako eh, tapos ginawang toppings lang ang sisig.”

“Yung salmon sa amin, sardinas lang nyemas.”“Yung peg ni mommy kering keri mag franchise ng PBB.”

“Madame, ulam na po sa amin ang sisig!!!”