Naintriga raw ang mga tao nang makita nilang magkasama sa isang restaurant at kumakain ang aktor na si Marco Gumabao at aktres na si Barbie Imperial, ayon sa tsika ni Ogie Diaz.
Sa entertainment vlog ni Ogie nitong Linggo, Hunyo 29, naungkat ang tungkol dito nang maging paksa ng usapan nila nina Mama Loi at Tita Jegs ang tila pagkaka-move on na raw ni Cristine Reyes, ex-jowa ni Marco, matapos daw makitang kasama ang strategist ni Senator-elect Bam Aquino, na nagngangalang Gio Tingson.
KAUGNAY NA BALITA: Cristine Reyes may lovelife na raw ulit, konektado kay Bam Aquino?
At dito nga, nabanggit ni Ogie na nakita raw sina Marco at Barbie na magkasamang kumakain sa isang restaurant sa Rockwell at silang dalawa lang daw; take note, may "resibo" pa ito dahil naipakita pa niya ang kopya ng kuhang video sa dalawa.
So ang tanong daw ng mga tao, hiwalay na raw ba si Barbie Imperial sa kaniyang special someone na si "Incognito" star Richard Gutierrez?
Sansala naman ni Ogie, hindi pa hiwalay sina Barbie at Richard, at wala raw masama kung kakain at lalabas na magkasama sina Marco at Barbie.
Binanggit ni Ogie na ang buong pangalan ng aktor ay "Marco Imperial Gumabao," na ang ibig sabihin, magkamag-anak sina Marco at Barbie, at malapit naman sila sa isa't isa.
"Sila ay magkamag-anak at very very close sila," sey ni Ogie.
Binanggit din ni Ogie na kaanak din ni Marco si Star Patroller Gretchen Fullido, na napapanood sa showbiz news segment ng "TV Patrol." Kamag-anak ni Marco si Gretchen sa Gumabao side habang si Barbie naman, pamangkin niya pala si Marco.
Paliwanag ni Ogie, pinsan ni Barbie ang nanay ni Marco kaya pamangkin niya sa pinsan ang aktor.
"Kaya doon sa mga nagkakalat o sa bashers na parang sumesegway si Barbie, iyan na po ang malinaw. Magkamag-anak po sila. At madalas din silang magkasama."
Nang mga sandaling naispatan naman daw silang magkasama, hinihintay raw nila dapat si Richard na hindi na nakarating dahil nasa grand finale media conference ng Incognito.
"Itigil na natin ang pagli-link kina Barbie Imperial at kay Marco Imperial Gumabao," hirit pa ni Ogie.
In fairness, hindi sila mukhang magtita ha!