January 05, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

AC Soriano hindi 'in favor' sa gupit nina Ricky Reyes, Renee Salud: 'Akala n'yo kinaganda n'yo!'

AC Soriano hindi 'in favor' sa gupit nina Ricky Reyes, Renee Salud: 'Akala n'yo kinaganda n'yo!'
Photo courtesy: Screenshot from Toni Gonzaga Studio (YT)/AC Soriano (IG)

Usap-usapan ng mga netizen ang X post ni Showtime Online U host at social media influencer AC Soriano tungkol sa mga gupit nina Ricky Reyes at Renee Salud, matapos ang kontrobersiyal nilang panayam kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano sa "Toni Talks."

Ipinagdiinan kasi ng dalawa sa panayam na hindi sila pabor sa same-sex marriage at iba pang mga pananaw tungkol sa LGBTQIA+ community, lalo na raw ang pagiging "entitled" ng ilan.

Niretweet ni AC ang isang ulat ng lokal na pahayagan tungkol dito at saka kinomentuhan.

"hindi rin po kami in favor sa mga gupit ninyo na akala nyo kinaganda nyo po :)" anila.

Tsika at Intriga

'As a nation di tayo makausad!' Tuesday sinita mga 'eksenang airport' ng Pinoy

Photo courtesy: Screenshot from AC Soriano (X)

Kilala sina Ricky at Renee bilang mga nasa industriya ng beauty, hairstyling, at fashion industry.

KAUGNAY NA BALITA: Ricky Reyes, Renee Salud hindi pabor sa same-sex marriage, SOGIE bill

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Kung Hindi mo tanggap ang OPINYON nila, RESPETUHIN mo... Haissttt...."

"Tanggalan ng pera yang mga yan. Tignan natin kung hindi nila bawiin yang mga sinabi nila."

"wala kasing pumapatol kaya gusto mandamay hahahahahaha"

"Gusto ng acceptance. Pero di matanggap opinnions ng iba?!?"

"Akala ko ba mali ang personal na atake pag issue ang pinaguusapan at dapat stick to the issue at hand lang dapat?"

Samantala, shinare naman ni AC ang naging pahayag ni Unkabogable Star Vice Ganda nang dumalo siya sa isang event kaugnay ng Pride Month.

"MY MOTHER," caption dito ni AC.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, tumalak sa Pride Month: 'Di porke matanda ka na... iiwanan mo ‘yong mga tulad mo!'

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag sina Ricky at Renee tungkol sa pasaring ni AC.