January 30, 2026

Home BALITA

92-anyos na lolang may alzheimer at bed-ridden, patay sa sunog

92-anyos na lolang may alzheimer at bed-ridden, patay sa sunog
Photo courtesy: Pexels

Patay ang isang bed-ridden na 92 taong gulang na lolang may alzheimer’s disease matapos siyang ma-trap sa kanilang nasusunog na bahay at bigong mailabas mula sa kaniyang kuwarto sa Parañaque City.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong Sabado, Hunyo 28, 2025, napag-alamang nagmula ang sunog sa mismong kuwarto ng biktima matapos daw pumutok ang night light na nakasaksak doon. 

Batay sa salaysay ng anak ng biktima, mabilis na kumalat ang apoy sa kabila ng pagtatangka niyang masugpo ito sa pamamagitan ng fire extinguisher. 

Samantala, tatlo naman ang naiulat na nasaktan kabilang ang anak at apo ng biktima at kanilang kasambahay. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, isa ang kuryente sa tinitingnan nilang sanhi ng sunog.

National

SP Sotto, dismayado sa desisyon ng Korte Suprema ugnay sa impeachment vs VP Sara

Tinatayang aabot sa ₱800,000 ang halaga ng natupok sa bahay ng biktima. Wala namang naiulat pang nadamay sa pagsiklab ng sunog sa kanilang lugar.