Hindi nakaligtas si Senator Imee Marcos na madawit sa napag-uusapan ngayong “Encantadia Chronicles: Sang’gre,” ang bagong drama-fantasy series ng GMA Network.
Sa post kasi ng isang Facebook page kamakailan, inungkat ang larawan ni Sen. Imee na kuha noong 2024 State of the Nation Address (SONA).
Suot ng senadora sa naturang larawan ang Moro armor-inspired dress at ang golden crown.
Sey tuloy sa caption, “Sorry kaka online ko lang, ito naba si sangre Danaya?”
Umani ang post ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Sanggre Na Yawa"
"opo, pero ang reyna ng sapiro eh si Villar. Sya po ang tagapangalaga ng Lupa."
"mas cute pa din yung asong Danaya kesa dito eh ahhahaha"
"Guard ung baliw gising na"
"Sang'gre Diarrhea yan"
Pero hindi rin naman nagpahuli si Sen. Imee. Pinatulan niya rin ang pambubuska ng Facebook page sa kaniya.
“Not your Sanggre Danaya muntik lang NADAYA — nasa akin pa rin ang BRILYANTE NG SOLUSYON!” hirit ng senadora.
Si Danaya na tinutukoy sa post ay isa sa apat na Sang’gre sa mundo ng Encantadia na may hawak sa brilyante ng lupa. Siya ang bunso sa kanilang magkakapatid.
Ang karakter na ito ay ginampanan nina Diana Zubiri at Sanya Lopez.