December 13, 2025

Home BALITA Politics

Roque, gigil na ipinanawagang patalsikin sa Senado si Hontiveros: Nakakasuka ka!

Roque, gigil na ipinanawagang patalsikin sa Senado si Hontiveros: Nakakasuka ka!
Photo courtesy: screenshot Harry Roque, Risa Hontiveros/FB

Nagkomento si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa isyung kinahaharap ni Sen. Risa Hontiveros patungkol sa umano’y pekeng testigong iniharap ng senadora sa Senate hearings.

Sa kaniyang Facebook live noong Biyernes, Hunyo 27, 2025, tahasang iginiit ni Roque ang panawagang patalsikin na umano si Hontiveros mula sa Senado matapos ang pagladlad ng nagpakilalang bayarang testigo ng kampo ng senadora.

“Nakakasuka ka! At itong nangyari na ito na mayroon ng lumantad, nagpapatunay na wala kang karapatan na maglingkod. Kaya nga nananawagan ako. Kinakailangan mag-file ng ethics complaint diyan kay HontiVirus na 'yan, nang sa ganoon ay masipa na siya Senado,” ani Roque.

Hirit pa niya, “Walang karapatang kahit sinong nagtatanim-kaso, nagtatanim-ebidensya, nagtatanim testigo, na manatili sa Senado. Dahil ang Senado in the first place, taga gawa 'yan ng batas 'no?”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Matatandaang kamakailan lang nang gumawa ng ingay sa social media ang isa umanong testigo na si alyas "Rene" na nagpakilalang binayaran daw ni Hontiveros upang tumestigo sa Senado laban kina Vice President Sara Duterte, dating Pangulong Rodrigo Duterte at Apollo Quiboloy.

“Binayaran po ako ni Sen. Risa Hontiveros para mag-testify laban kay PRRD, VP Sara at Pastor Apollo C. Quiboloy. Lahat ng sinabi ko at mga kasama ko doon na nag-witness sa Senado ay ginawa lamang ni Sen. Risa upang pabagsakin si Pastor at ang buong kingdom at kunin ang kanilang mga ari-arian,” saad ni Rene sa isang h YouTube video.

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa, pumalag sa akusasyong nagbayad ng Senate witness kontra FPRRD, VP Sara, Quiboloy

Samantala, nauna nang dumipensa si Hontiveros sa naturang algesyon at iginiit na pawang desperado lang daw ang nasa likod ng nasabing video at nakahanda raw siyang gumawa ng legal na hakbang laban dito.

“We are preparing our SERIOUS LEGAL RESPONSE against this act of harassment and intimidation. Hindi namin palalampasin ang mga nasa likod ng pananakot na ito,” anang senadora.