Nananatiling kritikal ang kondisyon ng Pinay na caregiver sa Israel, halos isang linggo matapos ang unang pagpapakawala ng missile ng Iran laban sa nasabing bansa.
KAUGNAY NA BALITA: Pinoy sa Israel, kritikal kondisyon dahil sa missile ng Iran
Ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Embassy in Israel noong Biyernes, Hunyo 27, nasa kritikal na kondisyon pa rin ang Pinay na sumailalim na rin daw sa dalawang operasyon.
"One is still in critical condition after sustaining severe and life-threatening injuries. She has underwent two surgeries and is being treated at the ICU of Shamir Medical Center, one of Israel's most advanced hospitals," anang Embahada ng Pilipinas.
Samantala, inihayag din ng Embahada nasa 146 na mga Pilipino ang nawalan din ng tirahan bunsod pa rin ng nasabing tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.
Nasa kabuuang 564 naman ang nabigyan din ng Embahada ng Pilipinas at Department of Migrant Workers (DMW) nt yulong kagaya ng financial assistance, temporary shelters at mga pagkain. Habang 141 naman ang nakatanggap ng psychosocial support at counseling.
Nananatili pa ring nakataas ang alert level 3 sa Israel na nanawagan ng voluntary repatriation para sa mga Pilipinong nagnanais ng lumikas at makabalik ng Pilipinas.