Nagsagawa ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng pagsusulit para sa Comprehensive Air Traffic Service (CATS) sa iba’t ibang testing center sa buong bansa nitong Sabado, Hunyo 28.
Sa pahayag na inilabas ng CAAP nito ring Sabado, binigyang-diin umano ni CAAP Director General retired Lt. Gen. Raul Del Rosario ang halaga ng pagsusulit.
Inilarawan niya ito bilang puhunan para sa mga bagong henerasyon na magiging aviation professionals
Ito umano ang magsisilbing daan upang makapasok sila sa larangan ng air traffic control at aviation communication systems.
At sa pamamagitan ng mahigpit na pagsasala, titiyakin umano ng CAAP na ang pinakakwalipikado lang na kandidato ang mapipili na humawak sa safety at efficiency ng arispace ng bansa.
Ayon sa CAAP, suportado umano nitong programa ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na iprayoridad ang kaunlarang nakatuon sa tao.