Patay ang 18-taong gulang na manlalaro ng Gilas Pilipinas Girls na si Ashlyn Abong matapos umano siyang mag-collapse sa kasagsagan ng training.
Ayon sa mga ulat, nag-eensayo raw nsi Abong sa National University, ang kaniyang koponan sa UAAP, nang bigla siyang mawalan ng malay. SInubukan pa raw siyang i-revive at agarang isugod sa ospital ngunit pumanaw rin.
Si Abong ang isa 5'11 center ng NU Lady Bullpups at miyembro ng Gilas Girls program na inilaban ng Pilipinas sa FIBA U18 Women's Asia Cup Division B noong 2024, kung saan umakyat ang bansa patungong Division A.
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na dahilan ng pagpanaw ni Abong.