December 13, 2025

Home BALITA

Giit ni Sen. Imee: LGBTQIA+ members, dapat tanggapin!

Giit ni Sen. Imee: LGBTQIA+ members, dapat tanggapin!
Photo Courtesy: Screenshot from Imee Marcos (FB)

Nagpaabot ng pagbati si Senador Imee Marcos para sa pagdiriwang ng International LGBTQIA+ Pride Day ngayong araw, Hunyo 28.

Sa video statement na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook page, sinabi ni Marcos na dapat umanong tanggapin ng bawat isa ang miyembro ng LGBTQIA+.

“Hindi sapat ‘yong hayaan na lang natin kung saan siya masaya. Dapat nakikisaya tayo. Dapat natin siyang tanggapin,” saad ni Sen. Imee.

Dagdag pa niya, “They need not just tolerance. They need acceptance. [...] Happy Pride Month from Senator Imee Marcos.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Idinaraos ang tuwing Hunyo ang Pride Month upang kilalanin ang impluwensya ng mga LGBTQ sa buong mundo. 

Gayundin ang 1969 Stonewall Uprising sa Manhattan, na isang tipping point para sa Gay Liberation Movement sa United States.