December 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Buntis, arestado sa pambubugaw ng 3-anyos na anak at dalagitang kapatid

Buntis, arestado sa pambubugaw ng 3-anyos na anak at dalagitang kapatid
Photo courtesy: Pexels

Natimbog ng pulisya ang isang buntis na naglalako umano ng maseselang larawan at video ng kaniyang tatlong taong gulang na anak at 14-anyos na dalagitang kapatid. 

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News noong Biyernes, Hunyo 27, 2025, mismong sa kanilang bahay nadatnan ng mga awtroidad ang suspek kung saan kinuha rin ng social worker ang kaniyang anak.

Lumalabas sa imbestigasyon na pawang mga dayuhan ang parokyano ng suspek kung saan niya ibinebenta ang mga maseselang laran at video, hindi lamang daw ng kaniyang anak at kapatid, kundi maging ng ilan pang menor de edad.

Hindi raw bababa sa ₱2,000 ang bayad na hinihingi ng suspek sa kaniyang mga customer via online. 

Probinsya

Piggatan bridge sa Cagayan, bukas na matapos bumagsak noong Oktubre

Patuloy din ang pagtukoy ng mga awtoridad kung may ilang kamag-anak pa raw ang suspek na kaniyang nabiktima sa pambubugaw.

Nahaharap sa paglabag sa online secual abuse and exploitation of children at trafficking in persons ang suspek, alinsunod sa Cybercrime Prevention Act.