Mas marami ang bilang ng mga isinilang sanggol na hindi kasal ang mga magulang kumpara sa kasal ang mga magulang noong 2023, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Kasunod ito ng ulat na bumaba ng 7.8% ang bilang ng nagpapakasal sa Pilipinas noong 2023.
BASAHIN: 'Mas pinipiling mag-live-in!' Bilang ng nagpapakasal, bumaba ng 7.8%—PSA
Sa datos ng PSA, noong 2023 nasa 842,728 na sanggol ang isinilang na hindi kasal ang mga magulang, kumpara sa 605,794 na sanggol na kasal ang mga magulang.
The decline in marriages reflects changing realities as families of today come in many forms,” ayon kay CPD Executive Director Undersecretary Lisa Grace S. Bersales
“While we uphold marriage as a sacred institution, we must also protect couples who choose alternative arrangements and ensure the welfare of every individual, ensuring no family is left behind in our nation’s development,” dagdag pa niya.