December 21, 2025

Home BALITA Metro

Abot-leeg na baha! Navotas City, nagsagawa ng rescue ops

Abot-leeg na baha! Navotas City, nagsagawa ng rescue ops
Screengrab from Navotas Councilor Neil Cruz/Facebook at Navotas PIO

Nagsagawa na ng rescue operations ang Navotas City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) para i-evacuate ang mga pamilya sa Barangay San Jose dahil sa matinding pagbaha na umabot hanggang leeg ng tao.

Ang naturang baha ay hindi dulot ng bagyo kundi dahil sa 2.1 meter high tide at nasirang river wall. 

Dahil dito, lubog sa baha ang mga bahay sa naturang barangay.

Agaran namang nagsagawa ng rescue ops ang Navotas DRRMO. Anila, katuwang nila ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Navotas, Navotas police, fire volunteers, SCAN International, at mga boy scouts.

Metro

Pag-iisyu ng Beep card, pansamantalang sinuspinde