Tila hindi maganda sa pandinig ni ex-Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata ang salitang “starlet” na itinatawag umano sa kaniya ng marami.
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Hunyo 26, inamin ni Shuvee na bagama’t marami pa siyang kailangang matutunang skills, nasasaktan daw siyang bansagan ng “starlet.”
“I'm not in that position to say na I've been here na for years I'm just here for, let’s say, three years, four years. Marami pa po akong i-improve na skills,” saad ni Shuvee.
“However po,” pasubali niya, “'yong word lang po na 'starlet' medyo masakit lang po siya. Kasi parang 'pag kinonek mo siya sa GMA, parang I've seen how GMA do their best para i-push mo po kaming mga artist.”
Dagdag pa ng ex-PBB housemate, “Hindi po ako pinabayaan ng GMA. I'm very grateful hindi po ako nawalan ng trabaho. Nasasaktan lang po akong tawaging starlet.”
Sa huli, hindi naman itinanggi ni Shuvee na maliit na artista pa lang siya. Pero sabi nga ni Boy, “You start somewhere.”
At mukhang nagsisimula na nga ito. Matatandaang bumuhos ang suporta sa kaniya ng tao matapos niyang ma-evict sa Bahay ni Kuya kasama ang ka-duo na si Kapamilya singer Klarisse De Guzman.
KAUGNAY NA BALITA: ShuKla, out na sa Bahay ni Kuya!