January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

Pulis na nakipagtalo sa asawa, pinabagsak ng biyenan; patay!

Pulis na nakipagtalo sa asawa, pinabagsak ng biyenan; patay!
Photo courtesy: Pexels, Contributed photo

Patay ang isang 37 taong gulang na pulis na may ranggong staff sergeant matapos siyang barilin ng kaniyang biyenan sa Sultan Kudarat.

Ayon sa mga ulat, nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at kaniyang misis na nauwi sa agawan ng baril. Nagawa raw maagaw ng misis ng biktima ang kaniyang baril na agad na ibinigay sa kaniyang ina. 

Palabas na raw sa kanilang grahe ang biktima nang sundan umano siya ng kaniyang biyenang babae at saka ipinutok ang baril. Nagtamo ng tama sa tiyan na tumagos umano sa kaniyang likod ang biktima.

Sinubukan pa siyang isugod sa opsital ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Nasa kustodiya na ng President Quirino Police ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. Nanatili naman ang imbestigasyon sa naturang krimen.