December 13, 2025

Home BALITA

Leyte Gov. Petilla, pinalagan komento ni VP Sara sa San Juanico Bridge

Leyte Gov. Petilla, pinalagan komento ni VP Sara sa San Juanico Bridge
Photo courtesy: Contributed photo, MB file photo

Diretsahang inalmahan ni Leyte Governor Jericho Petilla ang pagkumpara at pagbatikos ni Vice President Sara Duterte sa San Juanico Bridge bilang isang tourist spot.

Sa press conference nitong Biyernes, Hunyo 27, 2025, ipinagmalaki ni Petilla na maraming turista pa rin ang nagnanais na makatapak sa pinakamahabang tulay ng Pilipinas na nagdudugtong sa mga probinsya ng Leyte at Samar.

“It is a tourist spot…It is a nice bridge, maganda mag-picture doon. Ang problema, bawal bumaba, kaya disappointed sila [mga turista]. Kasi gusto nilang kuwento ‘nakatapak ako doon sa tuktok ng San Juanico Bridge.’ Yun ang gusto ikwento, which is hindi naman po pupwede,” ani Petilla.

Dagdag pa niya, “Because it is a danger zone, mabibilis na ang mga nadaan diyan.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Hinggil naman sa naunang komento ni VP Sara na masyado raw maiksi ang San Juanico Bridge  para maging tourist spot kumpara sa tulay ng China, sagot ni Petiila, “It is a tourist destination. Kung mayroon mang 100km na bridge sa China, pumunta ka ng China.”

Hirit pa ng gobernador, “Pero dito sa Pilipinas, San Juanico Bridge ang pupuntahan mo, hindi China.”

Matatandaang sa sinabi ni VP Sara ang naturang pahayag sa isang Free Duterte Rally sa Australia kamakailan.“Alam n’yo ba gaano kahaba San Juanico Bridge? 2.6km. Sobrang irritated ako. Paano naging tourist spot ang 2.6km na bridge? Ang bridge sa China papunta sa Shenzhen, papunta sa Macau , papunta sa HongKong, gaano kahaba? 264km. Yun ang tourist spot. Yun ang modernization. Yun ang infrastructure, hindi ang 2.6km na ngayon nagkakagulo pa [kung] paano ayusin,” anang Pangalawang Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: San Juanico Bridge, 'di tourist spot, walang binatbat sa tulay sa China—VP Sara