January 04, 2026

Home BALITA

Obispo, binalaan publiko sa mga nagpapanggap na pari

Obispo, binalaan publiko sa mga nagpapanggap na pari
Bishop Reynaldo Evangelista of Imus. DIOCESE OF IMUS/FACEBOOK via CBCP

Binalaan ng isang obispo ng Simbahang Katoliko ang mga mananampalataya na mag-ingat laban sa ilang indibidwal na nagpapanggap na pari at nagdiriwang ng sakramento ng walang balidong ordinasyon.

Sa isang circular, na may petsang Hunyo 25, nagpahayag ng seryosong pagkabahala si Imus Bishop Reynaldo Evangelista hinggil sa aniya’y matinding iregularidad sa loob ng kanilang diyosesis.

Nakasaad sa sirkular na ilang indibidwal, na hindi naman balidong pari, ang nagsasagawa ng mga pangunahing Catholic liturgical rites, kabilang na rito ang pagbibinyag, Eukaristiya, matrimonya at pagbabasbas.

Ayon kay Evangelista, alinsunod sa batas ng simbahan, ang mga sakramento at liturgical rites na isinagawa ng hindi awtorisadong indibidwal ay ilegal at hindi balido.

National

'Kurutin mo para sigurado!' Ombudsman Boying Remulla, nakapag-gym pa

Hinikayat din naman niya ang mga parokya, local government units (LGUs), mga paaralan, funeral homes, mga negosyo at iba pang institusyon na manatiling vigilante at tiyaking tanging mga ordained clergy lamang ang magsasagawa ng kanilang sagradong seremonya.

“To avoid these incidents, it is best to visit the nearest Catholic parish office for appointments, schedules, and further inquiries,” payo pa niya.

Hinikayat din naman ng obispo ang mga mananampalataya na kaagad na isumbong sa diocesan authorities kung may nalalaman silang mga kahina-hinalang aktibidad upang makatulong sa pagpreserba ng integridad ng sakramento at pagbabantay sa spiritual being ng komunidad.