December 15, 2025

Home SPORTS

Matapos 3 taon: Japan, muling nagbitay ng death row inmate

Matapos 3 taon: Japan, muling nagbitay ng death row inmate
Photo courtesy: Pexels, AP News

Tuluyang pinarusahan ng bitay ang suspek na pumatay umano ng 9 na katao sa Japan na binansagang modus na “Twitter killer.”

Ayon sa mga ulat, kinilala ang suspek na si Takahiro Shiraishi na nasentensyahan ng kamatayan noong 2017, matapos marekober sa kaniya ang mga labi ng walong magkakaibang babae at isang lalaki na pawang pinatay umano sa pamamagitan ng sakal at pag-chop-chop sa kanilang katawan.

Sinasabing nakilala ng mga biktima ang suspek mula sa noo’y social media app na “Twitter” na mas kilala na ngayon bilang X. Nag-aalok daw ng tulong ang suspek para sa mga taong mababa na ang moral na kalimitang naglalabas ng saloobin mula sa nasabing online platform.

Ayon pa sa mga ulat, pinapangakuan daw ng suspek ang bawat biktima na tutulungan silang mamatay kasama siya upang matapos na ang kanilang problema.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Samantala, kinalaunan ay binago raw ng suspek ang kaniyang salaysay at inaming pinatay niya ang mga biktima nang walang pahintulot na natagpuan sa loob ng kaniyang sariling bahay at iba ang lugar sa Japan.

Ito ang kauna-unahang death sentence execution na ipinatupad ng Japan matapos ang huli nilang pagbitay noong 2022 sa isa pang suspek na nag-amok at nanaksak noon sa isang shopping mall sa distrito ng Akihabara sa Japan noong 2008.