January 30, 2026

Home BALITA National

Makakahinga! Bigtime rollback sa petrolyo, inaasahan sa Hulyo 1

Makakahinga! Bigtime rollback sa petrolyo, inaasahan sa Hulyo 1
GAS (MB FILE PHOTO)

Tila makakahinga-hinga ang mga motorista dahil sa nagbabadyang roll-back sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, Hulyo 1. 

Ayon sa abiso ng Department of Energy (DOE) nitong Biyernes, Hunyo 27, bababa ng ₱1.60 hanggang ₱2.10 kada litro ang diesel, na halos pumalo ng ₱5 kada litro nitong linggo.

Ang kerosene naman ay inaasahang bumaba ng ₱2 hanggang ₱2.20 kada litro, habang ang gasolina naman ay bababa ng ₱1 hanggang ₱1.40. 

Dagdag pa ng DOE, ang roll-back na ito ay dahil sa ceasefire sa pagitan ng Iran at Israel nito ring linggo. 

National

SP Sotto, dismayado sa desisyon ng Korte Suprema ugnay sa impeachment vs VP Sara

“[The] bearish factor that counterbalances the bullish price last week is the announcement of President Trump of a possible ceasefire between Israel and Iran, thus crude oil future extends their drop,” saad ni DOE Oil Industry Management Bureau (OIMB) Director Rodela Romero.