Tila nakahanap na ang mga netizen ng sagot kung bakit umiiyak ang aktor na si JM De Guzman sa ibinahagi nitong video noong Hunyo 25.
Sa latest episode kasi ng vlog ni Donnalyn Bartolome kamakailan, sinorpresa niya si JM para sa bago nitong negosyong pangangasiwaan.
Ayon kay Donna, hindi raw niya ideya na papasukin si JM sa mundo ng negosyo. Pero dahil matagal na raw nitong binabanggit ang pangarap nitong coffee business, tinupad niya.
“When JM and I got together, I’m the one he trusted when it comes to opening a business. So sabi ko, kailangan na rin niya para kahit walang project, syempre ‘pag may business ka mayro’n at mayro’n kang makukuhanan,” saad ni Donna.
Dagdag pa niya, “This is his dream, a coffee business.”
Matatandaang inanunsiyo ni Donna sa kaniyang vlog noong Mayo 2024 na exclusively dating na silang dalawa ni JM.
MAKI-BALITA: Donnalyn Bartolome, hinarana si JM De Guzman; sinagot na nga ba?
Samantala, wala pa rin namang binanggit si JM tungkol sa video kung saan makikita siyang umiiyak habang tumutugtog ang kantang “Oceans (Where Feet May Fail).”
Sa katunayan, burado na ito sa kaniyang Instagram account.
MAKI-BALITA: Donnalyn, walang sey sa pag-iyak ni JM?