December 14, 2025

Home BALITA

‘Hihirit pa!’ 2 suspek sa pagnanakaw ng wire ng cable wire ng NCAP camera, timbog!

‘Hihirit pa!’ 2 suspek sa pagnanakaw ng wire ng cable wire ng NCAP camera, timbog!
Photo courtesy: Pexels, via Manila Bulletin

Nasakote ng pulisya ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng mga cable wires ng CCTV ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa No Contact Apprehension Policy (NCAP) matapos silang magtangka ulit magnakaw sa Guadalupe overpass sa Makati City.

Ayon sa mga ulat, binalikan umano ng dalawang kawatan nitong Biyernes, Hunyo 27, 2025, ang mga naka-install na CCTV sa nasabing overpass upang tangkaing nakawin ang kable nito.

Matatatandaang noong Huwebes, Hunyo 26 nang pumutok ang bali-balitang ilang CCTV cameras ng MMDA ang natagpuang putol ang mga kable na hinihinala umanong ninakaw. 

Ayon sa MMDA, noong Hunyo 20 raw sila nakaranas ng aberya sa kanilang mga CCTV matapos daw mag-appear ang “disconnected for troubleshooting” sa kanilang operating system.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

“During the testing last week, our team detected a humming sound for that particular CCTV so they were disconnected for troubleshooting,” anang MMDA.

Nauna nang nilinaw ng ahensya na wala umanong kinalaman ang nakawan ng kable ng kanilang CCTV sa mga patuloy pa rin daw umaangal laban sa implementasyon ng NCAP.

Samantala, sasampahan na raw ng reklamong theft ang dalawang suspek matapos marekober sa kanila ang ilan pang kable ng CCTV kung saan napag-alamang ibinebenta raw nila sa junk shop.