December 14, 2025

Home BALITA National

Da who? Sikat na aktres nakaladkad sa isyu ng mga nawawalang 100 sabungero

Da who? Sikat na aktres nakaladkad sa  isyu ng mga nawawalang 100 sabungero
photo courtesy: GMA News, Wikimedia

Nakaladkad sa isyu ang isang sikat na aktres na itinuturong isa rin sa mga mastermind sa pagkawala ng 100 sabungero at itinapon umano sa Taal Lake. 

Sa report ng 24 Oras nitong Huwebes, Hunyo 26, isiniwalat ni alyas “Totoy” na isang aktres ang isa sa mga mastermind na "mas marami" raw alam.

"May isang babaeng celebrity, di ko naman pangalanan at alam na nila yan. Kasama siya sa alpha member. Ibig sabihin kasama siya sa grupo," saad ni 'Totoy.'

Dagdag pa niya, "Isa rin siya 'pag nagmeeting-meeting andu'n siya. Isa rin siya na susi kung sakali. Siya ang mas marami din alam." 

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

Sinabi rin ni 'Totoy' na nakahanda na ang kaniyang affidavit at nakalagay don ang pangalan ng aktres. Aniya, dapat din daw makasuhan ito kasama ang mahigit 30 sibilyan at mga pulis. 

Kaugnay nito, nauna nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla mayaman at makapangyarihan umano ang mastermind na posible raw masuhulan maging ang ilang miyembro ng kawani ng gobyerno.

BASAHIN: Mastermind sa mga nawawalang sabungero, maimpluwensya na, mapera pa!—DOJ

Matatandaang si 'Totoy' din ang nagsiwalat na itinapon sa Taal Lake ang mga nawawalang sabungero na hindi bababa sa 100 ang bilang.

"Paano mabubuhay 'yan eh nakabaon na 'yan doon sa Taal Lake. Lahat 'yan. Kung huhukayin yun, mga buto-buto, paano natin makilala ang mga yun?"

BASAHIN: 34 nawawalang sabungero, ilang drug lords, itinumba at inilibing sa Taal Lake