January 06, 2026

Home BALITA

97.8 milyong Super Lotto jackpot, nasolo ng taga-QC!

<b>₱</b>97.8 milyong Super Lotto jackpot, nasolo ng taga-QC!
(unsplash)

Masuwerteng nasolo ng taga-Quezon City ang ₱97.8 milyong jackpot prize ng SuperLotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 26.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang winning combination na 25-08-05-27-18-16 ng SuperLotto 6/49 na may katumbas na premyo na ₱97,897,380.40.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Kruz na Ligas sa Quezon City.

Pinayuhan naman ng PCSO ang lucky winner na upang makubra ang kaniyang lucky ticket ay magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at iprisinta ang kaniyang winning ticket at dalawang balidong ID.

Probinsya

Preemptive at mandatory evacuation, ibinaba na sa ilang barangay sa Tabaco, Albay

Umapela rin ang PCSO sa publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang mas marami pa silang matulungang mga kababayan natin na nangangailangan.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo. 

Inirerekomendang balita