December 13, 2025

Home BALITA

VP Sara, walang sama ng loob kay PBBM; pero sa performance ng Pangulo, dismayado!

VP Sara, walang sama ng loob kay PBBM; pero sa performance ng Pangulo, dismayado!
Photo courtesy: MB File photo, Bongbong Marcos/FB

Muling binengga ni Vice President Sara Duterte ang performance ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.

Sa panayam sa kaniya ng Russian media na inilabas ng Office Of the Vice President (OVP) noong Miyerkules ng gabi, Hunyo 25, 2025, nilinaw ni VP Sara na wala raw siyang sama ng loob kay PBBM, ngunit dismayado raw siya sa performance nito.

"I have no ill feelings with him with regard to the political persecution that I am receiving from the administration because that is part of the life of a politician," anang Pangalawang Pangulo.

Binigyang-diin ni VP Sara ang ginawang aksyon ni PBBM sa pagsuko umano nito sa sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC).

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

"I have problems with his performance as president and I have problems with the violations of our fundamental law, our constitution, particularly with the rendition of former president Duterte. That was really an affront to Philippine sovereignty.

Matatandaang iginigiit ng kampo nina VP Sara na paglabag umano sa soberanya ng Pilipinas ang pagkakadetine ni dating Pangulong Durterte sa ICC matapos siyang maaresto noong Marso 11 dahil sa kasong crimes against humanity.

Ayon sa kampo ng mga Duterte, labag umano sa batas ang ginawang pagsuko sa dating Pangulo dahil wala na raw hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas, magmula ng mag-withdraw ito noong 2019.

KAUGNAY NA BALITA:  FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang