December 14, 2025

Home BALITA

'Pumreno!' Fuel subsidy, di pa raw kailangan—PBBM

'Pumreno!' Fuel subsidy, di pa raw kailangan—PBBM
Photo courtesy: via PCO, Pexels

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na hindi na raw muna kakailanganin ang pamamahagi ng fuel subsidy kasunod ng pagbaba raw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa panayam ng media sa Pangulo noong Miyerkules, Hunyo 25, 2025, iginiit niyang isang araw lamang daw ang isinipa ng presyo ng langis at petrolyo at bumalik na rin daw ito sa dati.

"The price of oil has not gone up. So we do not need to talk about the subsidy yet. It went up for one day, then it came back down," anang Pangulo.

Wala pa raw siyang nakikitang direktang epekto sa ekonomiya ng bansa ang nasabing paggalaw ng presyo ng mga langis at gasolina, kasunod ng paghupa ng tensyon sa pagitan ng Israel at Iran matapos ang deklarasyon ng ceasefire kamakailan.

Internasyonal

Intersection sa NYC, ipinangalan kay Dr. Jose Rizal bilang pagkilala sa Filipino community

KAUGNAY NA BALITA: Iran, Israel nagkasundo ng 'ceasefire' — US Pres. Trump

"Umakyat ng $79 per barrel, bumaba ulit pagkatapos na-announce ang ceasefire, bumaba ulit ng 69 kung saan nanggaling. So far, there is no significant effect on the economy," ani PBBM.

Dagdag pa niya, "Ang sinasabi namin, hindi ayuda-subsidy 'pag tumaas ang presyo. Kung hindi tumaas ang presyo ng langis, then there is no need for that. We can do business as usual."