December 13, 2025

Home BALITA

Palasyo sinabon pagiging self-proclaimed 'frontrunner' ni VP Sara sa halalan 2028

Palasyo sinabon pagiging self-proclaimed 'frontrunner' ni VP Sara sa halalan 2028
Photo courtesy: screengrab from RTVM/Facebook, MB file photo

Bumuwelta ang Malacañang sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na siya umano ang frontrunner sa susunod na halalan sa 2028.

Sa press briefing ni Palace Press Undersecretary Claire Castro nitong Huwebes, Hunyo 26, 2025, iginiit niyang nagtatago lang daw ang Pangalawang Pangulo sa nasabing pahayag upang alisin ang atensyon ng taumbayan sa patong-patong na kasong kaniyang kinakaharap.

“Siguro 'yan po ang nais maging naratibo, ipakita sa taumbayan pero nawawala po yung issue patungkol sa kaniyang accountability tungkol sa confidential funds at iba pang complaints na nakapaloob sa Articles of Impeachment,” saad ni Castro.

Saad pa ni Castro, ang mas nais umano ng taumbayan na malaman ang katotohanan sa lahat ng mga alegasyong hinaharap ni VP Sara kaysa magtago lamang daw sa kaniyang sariling naratibo tungkol sa 2028.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Siguro po nais din po natin malaman ang katotohanan at huwag lamang po magtago sa naratibo na siya yung frontrunner para sa 2028 Presidential election,” ani Castro.

Matatandaang inilabas ni VP Sara ang nasabing pahayag sa panayam sa kaniya ng isang Russian media na inilabas ng Office of the Vice President (OVP) noong Miyerkules, Hunyo 25.

"The survey shows that. And I think they want to eliminate the frontrunner...They think if they take out former President [Rodrigo] Duterte, they will weaken me because of it's one brand, it's one family," ani VP Sara.