December 13, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Nanaig ang demokrasya' Marcy Teodoro, pwede nang maiproklama—Comelec

'Nanaig ang demokrasya' Marcy Teodoro, pwede nang maiproklama—Comelec
photo: Marikina PIO

Puwede nang maiproklama bilang kinatawan ng unang distrito ng Marikina City si outgoing Marikina Mayor Marcelino "Marcy" Teodoro.

Ito'y matapos alisin ng Commission on Elections (Comelec) ang suspension order na inisyu nito laban sa kaniyang proklamasyon.

Sa 38-pahinang resolusyong na-promulgate noong Hunyo 25, pinagbigyan ng Comelec en banc ang consolidated motions for reconsideration na inihain ni Teodoro at binaligtad at isinasantabi ang resolusyong inilabas ng Comelec First Division noong Disyembre 11, 2024, na nagkakansela sa kaniyang Certificate of Candidacy (COC).

"Ang kautusan para sa pagsuspinde sa proklamasyon ni respondent Marcelino 'Marcy' R. Teodoro na inilabas ng Komisyon (En Banc) noong 12 Mayo 2025 ay inalis na. Sa wakas, ang certificate of candidacy ni respondent Marcelino "Marcy" R. Teodoro para sa Kagawad ng Kapulungan ng mga Kinatawan at 1st May 2020 Lokal na Distrito, Maris2kina. ay ibinalik dito," anang poll body.

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

Ipinaliwanag nito na nabigo ang mga petisyuner na nakagawa kay Teodoro ng material misrepresentation sa kaniyang COC, na may kaugnayan sa kaniyang residency sa Barangay San Roque sa unang Distrito.

"Ang kaso ng mga petitioner ay walang parehong factual substance at legal sufficiency. Nabigo silang dalhin ang kanilang pasanin na patunayan na ang respondent ay gumawa ng sinadya at materyal na misrepresentation tungkol sa isang kwalipikasyon para sa pampublikong opisina," anang Comelec en banc.

Sinabi pa nito na hindi naman idineklara ni Teodoro sa kaniyang COC na siya ay rehistradong botante na at sa halip ay nilagyan ng check ang opsiyon na, "I will be a registered voter of..." at isinaad ang kanyang addess sa Barangay San Roque.

"Ang pariralang ito ay sumasalamin sa isang future-oriented, contingent status na may kondisyon sa inaasahang pag-apruba ng kanyang nakabinbing aplikasyon," dagdag pa ng poll body.

Samantala, sa isang pahayag, labis naman ang pasasalamat ni Teodoro, na bago naging alkalde ay naging dating kinatawan ng unang Distrito ng Marikina sa loob ng tatlong sunud-sunod na termino, sa desisyong inilabas ng Comelec.

Itinuturing din ni Teodoro bilang tagumpay ng mga mamamayan ng Marikina ang naging desisyon ng poll body.

"Nanaig ang demokrasya. Tagumpay ito para sa mamamayan ng Marikina," aniya pa.

"Nakatanggap kami ng abiso na ang COMELEC En Banc ay opisyal na nagbigay ng Consolidated Motions for Reconsideration na inihain para sa akin. Ang desisyong ito ay nagpapatunay sa pagiging lehitimo ng aking Certificate of Candidacy for Member of the House of Representatives para sa Unang Distrito ng Marikina City," anang alkalde.

Ayon pa kay Teodoro, "Sa pinakahuling pag-unlad na ito, wala nang hadlang sa aking proklamasyon bilang duly elected representative ng ating distrito. Malugod kong tinatanggap ang desisyong ito. Pinagtitibay nito ang ating pinaniniwalaan mula pa noong una, na ang tinig ng mga tao ay mahalaga at hindi na dapat patahimikin. Nagsalita na ang mga mamamayan ng Marikina."