December 13, 2025

Home BALITA Metro

Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, may nilinaw sa 'nakalilitong' signages sa SLEX

Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, may nilinaw sa 'nakalilitong' signages sa SLEX
Photo courtesy: Ruffy Biazon (FB)

Nagsalita si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon hinggil sa nag-viral na signage sa South Luzon Expressway (SLEX), na ayon sa mga netizen, ay nagdudulot daw ng kalituhan.

Ipinakita ni Biazon na tila "inayos" na raw ang nabanggit na signages ng pamunuan ng SLEX, batay na rin sa reaksiyon at komento ng mga netizen.

Nag-react din ang mayor dahil may ilang mga nangalampag sa lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at tila isinisisi pa sa kanila ito.

"Para klaro sa lahat ha. Yang kalsada na yan ay sa loob ng South Luzon Expressway (SLEX) at ang signages ay installed by SLEX, yung pribadong kumpanya na namamahala ng nasabing tollway," ani Biazon, sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Hunyo 25.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

"Nag viral kamakailan yung post sa kaliwa at may mga pumuna na nakakalito daw. Matagal na yang signage na yan, pero ngayon lang may pumuna. Para sa mga taga Muntinlupa at mga sanay nang dumaan dyan, alam na kung ano ang tamang dadaanan."

"May iba rin nag komento na akala ang LGU ang may responsibilidad sa pag install ng nasabing signage. Linawin ko lang na jurisdiction yan ng tollway operator na private company at sila ang naglagay ng mga signs."

"Mukang nag react sila sa mga online comments dahil pagdaan ko ngayon lamang sa nasabing exit, pinalitan na ang signage," aniya.

Sa kabilang banda, sa palagay raw ni Biazon ay lalong nagdulot ng kalituhan sa mga motorista ang bagong ikinabit na signage matapos palitan ang "Filinvest Exit" sa "Alabang Exit."

"Yun nga lang, mukang mas confusing na . Kasi pareho na siyang 'Alabang' at nilagyan ng clarification na unfortunately ay maliliit na letra ang ginamit. By the time na mabasa yan ng motorista, maaalanganin na siya mag palit ng lane kung napunta siya sa maling lane."

"Makikipag ugnayan kami sa nasabing tollway operator para ayusin ang signage para hindi malito ang mga motorista," aniya pa.

Habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang update kung muli na bang napalitan ang nabanggit na signages.