Tuluyan nang nag-farewell sa kaniyang karakter bilang "David Dimaguiba" sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" ang Kapamilya actor na si McCoy De Leon, matapos na itong todasin sa plot ng kuwento.
Pag-amin ni McCoy sa kaniyang social media post, sinabi niyang noong una, naisip daw niyang huling project na niya ang BQ kaya naman tinodo na niya ang galing.
Hindi naman siya nabigo dahil kinainisan talaga nang sobra ang pasaway na half-brother ni Tanggol played by Coco Martin, na sa huli ay nagkapatawaran din, pero huli na rin ang lahat dahil namatay na nga si David.
Kaya nagpasalamat si McCoy sa lahat ng mga naapektuhan sa kaniyang karakter; ibig sabihin, naging epektibo ang kaniyang pagganap.
"Sa lahat ng mga taong naapektuhan, nakukuha ng inis hehe hanggang sa napukaw ang puso, thank you so much po!" aniya.
"Ngayon, binibitawan ko na po ang character na si David Dimaguiba," aniya pa.