Ibinahagi ng Star Magic ang tungkol sa nominasyon ni "Incognito" star Daniel Padilla bilang "Outstanding Asian Star" para sa Seoul International Drama Awards 2025 dahil sa kaniyang pagganap sa nabanggit na action series.
"A nomination as SUPREME as his title!" mababasa sa caption ng post.
"Rooting for your victory as ‘Outstanding Asian Star’ in this year’s Seoul International Drama Awards," saad pa.
Matatandaang na-nominate na noon si Daniel kasama ang ex-reel at real partner na si Kathryn Bernardo para sa huling serye nilang "2 Good 2 Be True," kung saan, ang nagwagi ay si Kathryn.
KAUGNAY NA BALITA: Kathryn Bernardo, kinilalang ‘Outstanding Asian Star’ sa Seoul International Drama Awards
Sinundan naman ito nina Kim Chiu, Belle Mariano, Dingdong Dantes, Alden Richards, at Gabby Concepcion.