Dead on the spot ang sanggol na tatlong araw pa lamang naipapanganak matapos siyang bumara sa kadena ng motorsiklo sa Tagkawayan, Quezon.
Ayon sa mga ulat, sakay ng motorsiklo ang magulang ng biktima habang kipit-kipit siya ng kaniyang ina nang mangyari ang aksidente. Lumalabas sa imbestigasyon na nakabalot umano sa kumot ang sanggol na unang sumabit sa kadena ng motorsiklo at saka siya nahila nito pababa.
Hindi umano napansin ng mga magulang ng biktima ang unti-unting paglaylay ng kumot ng kanilang anak hanggang sa tuluyan siyang nahulog at sumabit sa pagitan ng kadena at gulong.
Mapapanood sa nagkalat na video sa social media kung paano pinagtulungang matanggal ang katawan ng biktima mula sa kadena at gulong ng motorsiklo. Ayon sa mga rescuer, nahirapan silang alisin ang katawan ng biktima dahil sa matinding pagkakasingit nito sa nasabing mga bahagi ng motor.
Ayon sa Children's Safety on Motorcycle Act of 2015, ipinagbabawal ang pagsasakay sa mga bata sa anumang motorsiklo nang walang suot na helmet, wala pang kakayahang sumakay nang tama at makahawak o makakapit sa beywang ng driver.