Hiyang-hiya ang isang babae dahil sa pag-beso niya sa isang grab driver. Nawala raw kasi sa isip niya na hindi tatay niya ang naghatid sa kaniya sa trabaho.
Sa isang post sa online community ng Reddit, ibinahagi ng isang Reddit user ang "kasabawan" niya noong araw ng Lunes.
"Lunes na lunes, napahiya ako malala!!! Every Monday, nakagawian ko na magpahatid kay Papa ko from bahay to work kasi naka-Filipiniana attire every monday. Bago ako bumaba sa car, nagbebeso ako goodbye kay Papa before pumasok sa office," kuwento nito. "Kaso ngayon, hindi makahatid si Papa dahil nagsundo kay Ate ko sa airport. So, nag-Grab na lang ako. No problem about that."
Dagdag pa niya, "At sa hindi ko maipaliwanag na pangyayari, nagbeso ako sa driver ng Graaaab!!! Todo sorry ako kay kuya driver sabi ko hindi ko sinasadya and everything. Siguro muscle memory ko na every Monday pero sheeeeet LUNES NA LUNESSSS! Hahahaha."
"Sorry kay kuyang grab driver :((( kaya guys, get some enough sleep. Wag niyo na ako tularan HAHAHA"
Naaliw tuloy ang mga netizen sa Reddit, anila:
"HHAHAHAHAHA. NAIMAGINE KO TULALA MALALA DIN SI KUYA!"
"INAANTOK AKO SA OFFICE TAS NAGISING AKO DITO AHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHA HAPPY NATIONAL KISSING DAY SAYO OP!"
"YOU MADE MY DAY!!! HAHAHAHAH"
"Hahahahaha naiimagine ko reaksyon ni kuya"
"This is one of the things that am afraid might happen to me. So pag nag Grab or Cab ako, talagang sa likod ako umuupo unlike pag hinatid ni hubby, sa passenger seat talaga hahaha."
"Baka nasa cloud 9 si kuya Grab driver after that yieeee HAHAHA"