Tila tuloy-tuloy na ang pagkukundisyon ng katawan ng kapulisan dahil ibinalik na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang regular physical conditioning program o mas kilala bilang "Pulisteniks."
Ginanap sa transformation oval ng Camp Crame ang kick off ceremony ng naturang programa nitong Martes, Hunyo 24.
“Today, we gather not for a traditional police event—but for something just as essential: The kick-off of our regular physical conditioning program—Pulisteniks. This initiative is not just about stretching or running laps. It is about recognizing a simple truth that too often gets overlooked: A healthy body is a healthy mind," saad ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III.
Dagdag pa ni Torre, dapat gawin bahagi ng lifestyle ng isang pulis ang pagiging malusog.
"Let us not treat this as an obligation. Gawin po nating bahagi ng ating lifestyle bilang pulis ang pagiging malusog. Kasi kapag malusog ang katawan, malinaw ang isipan, matatag ang loob, at mabilis ang kilos,” aniya.
“A strong and healthy PNP is a dependable PNP. And a dependable PNP is what our country needs,” ika pa ng PNP chief.
Ang Pulisteniks ay gaganapin kada Martes at Huwebes.
Matatandaang sinabi ni Torre kamakailan na matatanggal sa serbisyo ang mga pulis na "overweight" kung hindi raw sila magbabawas ng timbang sa loob ng isang taon.
BASAHIN: Tabachoy na pulis, sisibakin ni Torre sa serbisyo 'pag di pumayat