Ipinagmalaki ni House Speaker Martin Romualdez ang ligtas umanong kampanya kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa kaniyang pahayag noong Martes, Hunyo 24, 2025, iginiit niyang higit na raw sa isang kampanya ang naturang pagtugon ng PBBM admin sa isyu ng droga sa bansa.
“This is no longer just a campaign—it is a clear policy direction under the Marcos administration: one that rejects violence, upholds the rule of law, and mobilizes the whole-of-nation approach in protecting every Filipino community from the scourge of drugs,” anang House Speaker.
Iginiit din ni Romualdez na bagong pamantayan na raw ang ginagawa ng PBBM admin sa pagsugpo ng mga ilegal na droga.
“President Marcos is setting a new standard of integrity and accountability. The message is clear: under his leadership, there will be no backdoors, no loopholes, and no compromises,” aniya.
Matatandaang kamakailan lang nang makasabat ng tintayang ₱10 bilyong halaga ng shabu ang Philippine Navy at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa karagatan ng Zambales at itinuturing pinakamalaking operasyong isinagawa ng nasabing mga ahensya.
KAUGNAY NA BALITA: PH Navy, nadekwat ₱10B halaga ng shabu sa isang fishing vessel sa Zambales
Kaugnay nito, noong Enero naman nang inihayag din ng PDEA na nasa mahigit 70% na raw ng mga barangay sa buong bansa ang idineklara nilang “drug cleared” areas.
KAUGNAY NA BALITA: Tinatayang 70% ng mga barangay sa bansa, 'drug free' sa ilalim ng Marcos admin—PDEA