December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ricky Reyes, Renee Salud hindi pabor sa same-sex marriage, SOGIE bill

Ricky Reyes, Renee Salud hindi pabor sa same-sex marriage, SOGIE bill
screenshot: Toni Gonzaga Studio/YT

Ibinahagi ng LGBTQ trailblazers at beauty and fashion icons na sina Mother Ricky Reyes at Mama Renee Salud kung bakit hindi sila pabor sa same-sex marriage at Sexual Orientation and Gender Identity Expression Equality (SOGIE) bill.

Sa isang episode ng "Toni Talks" ni Toni Gonzaga noong Hunyo 22, nagbigay-opinyon sina Mother Ricky at Mama Renee hinggil sa dalawang "kontrobersyal" na usapin sa bansa. 

"So, ano po ang stand n'yo sa same-sex marriage?" tanong ni Toni.

"Kung hahabulin mo lamang 'yong marriage para sa legalities dahil [sa] paghahati ng kayamanan or properties, puwede naman kayong mag-usap na. Maging partner na lang kayo sa aspeto na 'yon," saad ni Mama Renee.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Para naman kay Mother Ricky, "'Yong marriage, sa babae at lalaki na lang 'yan. 'Wag mo nang pakialaman 'yong gawa ng Diyos, nandyan na 'yan, 'di ba? That's overboarding. Hindi na tama 'yon." 

SOGIE BILL

"[N]a-interview ko si Senator Risa Hontiveros. Siya ang isa sa mga nagpupush ng SOGIE bill," pahayag ni Toni.

"At ako rin ang nagpatigil ng SOGIE bill," giit ni Mother Ricky. "'Yong sinabi ko, miski anong gawin n'yo sa mga bakla, bakla pa rin 'yan. Gilingin mo man 'yan, ang labas n'yan baklang hamburger. Walang pagbabago."

"Ako naman sige bigyan ng karapatan, bigyan sila ng puwang sa lipunan kaso lang the problem with some gays they asked for too much. Masyadong entitled," ayon naman kay Mama Renee.

Giit pa ni Mother Ricky, "Tama na 'yong tolerate ang mga bading. That is more than acceptance. 'Yon ang sinasabi ko, toleration is more than acceptance. Because ang kaharap mo hindi pare-pareho, ang lahat ng tao hindi lahat 'yan tanggap ang mga bading. Ibagay mo 'yong sarili mo sa tamang sitwasyon."

Matatandaang noong Marso, na-interview ni Toni si Hontiveros kung saan inihayag ng senadora ang pagkalungkot dahil sa pagiging kontrobersyal ng isinusulong niyang SOGIE bill. 

“I’m just so sad na controversial siya dahil wala naman siyang hinihinging bago o espesyal na karapatan sa LGBTQIA+ community. Pantay lang na karapatan sa lahat natin, anoman ang SOGIE natin,” saad ni Hontiveros.

BASAHIN: Hontiveros, malungkot dahil kontrobersiyal ang isinusulong niyang SOGIE Bill