January 04, 2026

Home SHOWBIZ

RaWi sigurado na ang slot sa Big Night

RaWi sigurado na ang slot sa Big Night
Photo courtesy: Pinoy Big Brother (FB)

Nanalo ang duo nina Ralph De Leon at Will Ashley o "RaWi" sa isinagawang big jump challenge sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Sasamahan nila ang duo ng "ChaRes" o sina Charlie Fleming at Esnyr na sigurado na rin ang slot sa Big Night at posibilidad na makasama sa Big 4, matapos piliin ng house challengers na dating housemates.

Nagbunyi naman ang mga tagahanga ng RaWi dahil deserving daw talaga ng dalawa ang slot, dahil sa pagiging competitive nina Ralph at Will.

Maglalaban-laban pa sa slot ang duos na sina Dustin Yu at Bianca De Vera (DustBi), AZ Martinez at River Joseph (AzVer), at Brent Manalo at Mika Salamanca (BreKa).

Mister ni Small Laude, itinanggi pagkakadawit sa mga ilegal na gawain