December 21, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pumaldo raw? Andrew E, flinex bagong 2025 cybertruck

Pumaldo raw? Andrew E, flinex bagong 2025 cybertruck
Photo courtesy: Andrew E (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang pag-post ng rapper na si Andrew E sa mga larawan ng isang luxury car, na kagaya ng kotse ng negosyante at isa sa mga pinakamayayamang tao sa mundo na si Elon Musk.

Ito ay isang itim na 2025 Tesla cybertruck, batay sa kaniyang Facebook post, na ang lokasyon ay nasa Los Angeles, California.

"Pareng Elon balik ko sayo to after 2 weeks oke?… #Cybertruck2025," mababasa sa caption ng singer-rapper.

Hindi naman kinumpirma ni Andrew E kung bagong bili ba niya ito, hiniram lamang, o nagpa-picture lamang siya sa harapan nito. 

Tsika at Intriga

Ginawang negosyo? Kasal nina Kiray, Stephan inintriga

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsabing mukhang "katas" na raw ito ng bayad sa campaign sorties na naimbitahan siya mula sa panahon ng 2022 presidential elections hanggang sa nagdaang 2025 national and local elections.

"Ang perang galing Kay lulong. Matindi rin ang balik nyan."

"Katas ni BBM"

"Pumaldo si idol ah"

"Katas ng raprap sa campaign ng election"

"nagbunga rin ang lahat kahit sobrang na paos na sa kakarap tuloy2 lang basta bang*g sinusupurtahan."

"Pasakayin mo si BBM"

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol naman kay Andrew E at sinabing deserve ng singer-rapper kung anuman ang tinatamasa niya ngayon, at walang pakialam ang mga tao kung anuman ang natatanggap o binibili niya mula sa hard-earned money. 

Batay sa saliksik ng ilang netizens, sinasabing aabot ang presyo ng nabanggit na luxury car sa $60,990 hanggang $102,235, at sa peso naman ay aabot sa higit ₱13,400,000.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Andrew E tungkol sa ilang mga pang-ookray sa kaniya kaugnay ng nabanggit na kotse.